Certified record-breaking hit ang naging concert ni Sarah Geronimo noong Sabado, November 7 sa Araneta Coliseum kung saan punum-puno ng mga taga-suporta niya ang nasabing venue. All-out support din ang mga showbiz friends ng Pop Star Princess gaya nina Anne Curtis, Rachelle Ann Go, Christian Bautista, Iya Villania, at marami pang iba. Malaking sorpresa naman para kay Sarah ang pagdalo ng Songbird na si Regine Velasquez na nanood ng nasabing concert.
Ipinaabot naman ng singer ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng kanyang mga fans. “Thank you very much for making this a record-breaking event sa akin pong career, sa akin pong journey in this business. Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal ninyo at mahal ko rin po kayong lahat,” sabi ni Sarah.
Kung happy si Sarah sa turn-out ng kanyang concert ay obvious namang hindi siya natutuwa sa mga intriga na ikinakabit sa kanilang dalawa ni Gerald Anderson sa planong paggawa nila ng pelikula. Nilinaw ni Sarah na nauunawaan niya ang reaksyon ng mga taga-suporta niya at mga taga-suporta ng tambalang Kim Chiu-Gerald Anderson. “Masyado nang maraming nasasabing hindi maganda sa amin,” simula ni Sarah sa panayam sa kanya ng The Buzz. “Naiintindihan ko lahat ‘yung mga fans ng Kimerald wala sa akin ‘yon. Hindi ko po kasi ipinagpipilitan ang sarili ko na makaperaha si Gerald. Wala na tapos na po. Ako na po ang nagsasabi na itigil na po natin kasi hindi maganda ang nagiging resulta, huwag ipilit.”
Pinuri naman ni Boy Abunda si Sarah dahil mas gusto ng nasabing singer na hindi magkaroon ng gulo at mas makabubuting huwag na lamang matuloy ang tambalan nila ni Gerald kung marami rin naman ang hindi magkakasundo dahil doon. Inihayag din ng host ang kanyang paghanga kay Sarah dahil sa pagmamahal nito sa kanyang trabaho. “Despite her success she has remained a good girl and close to her family,” paglalarawan ni Boy. “Maraming beses kaming nagkakasalubong sa labas na kasama ang kanyang pamilya. She’s very shy, very quiet off stage. Pagsampa sa entablado she’s an entirely different performer.
Share
Lyrics by Robert G. Labayen
Music by Marcus and Amber Davis
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo'y makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
Music by Marcus and Amber Davis
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo'y makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
ABS CBN's Christmas Station ID recording session featuring their kapamilya artists
8:38 AM | ABS-CBN, Kapamilya Station ID with 0 comments »This is the video courtesy by DPF486
As Tiagong Akyat bids farewell, a new ‘hero’ is entrusted to save the town, Jolo Revilla as Pepeng Agimat.
“Kung nag-enjoy po kayo sa panonood ng Tiagong Akyat, I’m sure, sobrang mag-eenjoy din kayo sa Pepeng Agimat. Kapana-panabik ang mga eksena at daring stunts dito.”
Jolo also expressed during the taping of Pepeng Agimat in Pinagrealan Cave Norzagaray, Bulacan that he is grateful working with his father and mentor Sen. Bong. “Sobrang masaya po talagang ka-trabaho ang tatay ko. Hindi niya ako kailanman pinabayaan. Lagi niya akong tinuturuan. I’m proud to say that I’m his successor.”
Together with Jolo and Sen. Bong is the Comedy Box-Office Queen Ai-ai delas Alas.
In the coming finale Tiagong Akyat and pilot of Pepeng Agimat, a shocking event is yet to happen. Who will risk his/her life? What will happen to the amulet of Tiagong Akyat?
Don’t miss the special two-in-one episode of Agimat this Saturday on ABS-CBN. For more updates, log on to www.abs-cbn.com or http://agimattv.multiply.com.
Gerald Anderson to portray a teenager with Tourette Syndrome in Maalaala Mo Kaya
8:41 AM | Gerald Anderson, MMK with 0 comments »Perfect choice si Gerald Anderson para gumanap sa isang mapaghamong role sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa ABS-CBN. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagampanan ni Gerald ang role ng isang may Tourette Syndrome (TS) sa una niyang paglabas sa longest and most awarded drama anthology on television. “Nung sinabi pa lang sa akin, na-excite na ako. Tapos nung binasa ko ‘yung script lalo ako’ng kinabahan. Pero alam mo sana lang magawa ko ito ng maayos at sana magustuhan ni Jerome (Concepcion, letter sender sa MMK na may (TS) ang gagawin ko’ng pagganap sa kanya at makapagbigay inspirasyon lalo na sa mga taong may TS,” bungad ni Gerald.
Personal na na-meet ni Gerald si Jerome sa isinagawang briefing ng staff ng “Maalaala Mo Kaya” na ginanap sa Bagoong Republic last Friday, Oktubre 16. Present doon ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, scriptwriters ng MMK, si Jerome at ang kanyang ina na si Criselda Concepcion. Nandun din ang President ng Philippine Tourette Syndrome Association (PTSA) president na si Rowena Victorino at ang vice-president na si Marlon Barnuevo. Member ng bandang 3rd Avenue si Marlon na meron ding TS.
Para sa kaalaman ng iba, ang TS ay isang hereditary na sakit na may kombinasyon ng ADHD (attention-deficit hyperactivity disorder, obsessive-compulsiveness, at neuro-behavorial complex. Sa murang edad ay nagmamanifest agad ito sa pamamagitan ng tics (involuntary sounds or movements such as eye-poking, coughing, head-banging etc.) na mas lalong nagiging kapansin-pansin kung ang pasyente ay under stress. Ngunit kadalasan ay namimisinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.
“Nu’ng una, alam mo ‘yung…parang nakakakawa. Pero kapag nakita mo, kapag nakausap mo siya (Jerome), confident siya. Kumbaga, hindi naging sagabal ‘yung sakit niya sa kanya. Ganun si Jerome,” kwento ni Gerald. Ano ang na-feel niya nung nalaman niya na siya ang napili para gumanap sa katauhan ni Jerome sa MMK? “Iba,” diin ni Gerald. “Sobrang nakakataba pa rin ng puso. Nakaka-inspire dahil yun nga sa dinami-dami (ng artista) ako ang pinili. Ipagdadasal ko na lang na magawa ko ito ng mabuti.”
Very challenging kay Gerald ang character na gagampanan niya kaya talagang pag-aaralan daw niya ito ng maigi. “Sa internet papanoorin ko lang tapos sasabihin nila kung ano ang mga symptoms at kung bakit nangyayari ito. And yun nga, minsan nangyayari ‘yan umpisa pa lang sa bata. Pagdating mo ng 18 years old lumalala.” Sa initial na pagkikita pa lang ba nila ni Jerome naisip na ba niya kung paano niya aatakihin ang role? “Sampol? Hahaha! Naku, huwag muna sampol. Biglaan naman,” nakangiting sabi ni Gerald. “Basta alam ko ibang klaseng experience ito. Sobrang malaking tulong talaga sa akin na nakita ko siya ngayon ng personal, kung paano siyia gumagalaw, kung paano siya nagsasalita, kung paano siya nag-iisip, ‘yung mga sinasabi niya.”
Kahit na noon lang niya nakilala si Jerome at ang ina nito ay naramdaman daw ni Gerald ang labis na paghihirap na pinagdadaanan ng kanilang pamilya. “Hindi biro ang pinagdadaanan nila dahil yung isa pang kapatid ni Jerome may TS din. Pero nakikita ko na very supportive ang mommy niya sa kanya. Tanggap (ni Mommy Criselda) yung kahinaan ng anak niya at kahit ano’ng mangyari nandu’n pa rin siya.”
Sa huli ay nagbigay na lang ng mensahe si Gerald sa mga avid viewers ng MMK. “Sana sa episode na ‘yun ma-inspire ko ang mga tao kahit yung walang TS na wag bibitiw sa kanilang mga pangarap kahit ano pang hadlang ang dumating sa kanilang buhay,” tapos ni Gerald.
Subscribe to:
Posts (Atom)











